May napanood akong freelancer na nagpa-interview tungkol sa SSS. Ang naging usapan sa comments: “Ayan, mapag-iinitan na tayo ng BIR.”,’yung iba sabi, “Ay, Jollibee yarn?”
Sabi ko, wait lang. Paano tayo napunta dun?
Sa interview na napanood ko, ang point nila ay i-encourage ang freelancers na mag-contribute sa SSS. Ang takeaway ko: pag-usapan kung paano tayo magkakaroon ng social protection.
Pero may mga nagalit, worried na baka dahil dito, masilip ang mga VA ng BIR.
Gets ko yung takot, truly. Hindi naman kasi talaga stable ang freelancing. Puwedeng may client ka today, tapos next week, wala na. Pero bakit yung kapwa freelancer ang sinisisi natin?
Hindi naman sila ang gumawa ng tax rules. At hindi rin mawawala ang obligations natin kapag walang nagpainterview mga mii.
Magkaiba ang SSS at Tax
Yung SSS–DICT partnership announced in October 2026 ay tungkol sa social security coverage ng freelancers. Hindi iyon announcement ng bagong tax para sa mga VA. [1]
Magkaiba ang SSS contributions at BIR taxes. Hindi ibig sabihin na dahil nagbayad ka sa isa, settled ka na sa kabila.
May existing tax rules na para sa self-employed workers. Hindi kailangan ng TV interview para magkaroon ng ganung obligation.
Puwede tayong mainis sa sistema. Pero unfair naman kung dun sa taong nagsalita tungkol sa benefits natin mapupunta lahat ng galit, di ba?
I dealt with this before I became a freelancer
Dati, contract-of-service worker ako sa isang government agency, doing administrative work.
Required akong mag-register sa BIR under a professional classification at magbayad ng ₱500 annual registration fee noon. Hindi ako PRC license holder. Ganun lang talaga ang registration na ipinagawa sa akin kasi I am rendering “professional” services sa agency.
Pero mas tumatak sa akin yung nangyari sa isang older janitorial worker namin (BTW, same kami ng salary grade that time, SG-4, search niyo na lang kung magkano yan nung 2022 hehe).
Sa pagkakaalala ko, umabot sa five digits ang kailangan niyang bayaran for tax compliance. Wala sa’kin ang breakdown, so hindi ko masasabi kung alin doon ang tax, penalties, o kung tama lahat ng charges.
Ang malinaw sa akin: maliit na ang kita niya, siya pa ang kailangang mag-asikaso (kasi walang employer-employee relationship ang COS/JO sa agency so ikaw talaga mag-aasikaso personally). At ang masaklap kung kailangan umabsent para ayusin kasi need weekdays? No work, no pay. 🙁
Mag-aasikaso ka para maging compliant, pero mababawasan pa yung kita or sweldo mo bago mo magawa yun.
Linawin ko lang ha? Hindi identical ang government COS at private freelancing. Pero familiar yung burden: ikaw ang worker, ikaw rin ang taga-intindi ng requirements.
For clarity, abolished na ang ₱500 annual registration fee effective January 22, 2024. Historical experience ko iyon, hindi siya current annual charge. May special filing rules din noon para sa qualifying low-income government COS workers, kaya dapat chine-check muna kung anong returns talaga ang required bayaran bago tanggapin na tama lahat ng penalties. [2][3]
Ang tanong: Kung may simplified rules, naiintindihan at nagagamit ba talaga sila ng mga taong nangangailangan?
“Pero bakit ang OFWs, hindi taxed tulad natin?”
Naitanong ko rin ito kasi may nabasa akong Threads comment like nakumpara siya. Pareho naman tayong puwedeng kumita ng foreign currency.
Pero hindi pala dollars versus pesos ang basis.
Generally, ang Filipino citizen na residente ng Pilipinas ay taxable sa income from Philippine and foreign sources. Ang qualifying OFW naman, generally Philippine-source income lang ang sakop ng Philippine income tax. [4]
Para sa ordinary service work, mahalaga kung saan mo physically ginagawa ang trabaho. Kung nasa Pilipinas ka habang nagtatrabaho para sa US client, hindi nagiging overseas work iyon dahil lang dollars ang bayad. [5]
At hindi rin ibig sabihin na walang taxes na binabayaran ang OFWs anywhere. Puwedeng may host-country taxes sila.
So hindi natin kailangang gawing kalaban ang OFWs. Ang dapat nating itanong: anong fair at workable na sistema para sa freelancers dito?
“Eh kung below ₱40,000 lang ang kita?”
Walang automatic tax exemption just because below ₱40,000 ang monthly income mo.
Annual income at applicable tax rules ang tinitingnan. Halimbawa, kung purely self-employed ka, qualified at properly opted for the 8% tax option:
- ₱20,000 monthly for 12 months = ₱240,000 annual gross income: ₱0 income tax under this example.
- ₱30,000 monthly for 12 months = ₱360,000: ₱8,800 annual income tax.
Simplified examples lang ito ha? Hindi kasama yung contributions and other costs. Iba ang rules kung may employee salary ka rin or ibang tax setup. At kahit zero ang income tax due, may registration at filing obligations pa ring kailangang i-comply. [6]
Kaya wag tayo malito: “Wala akong tax na babayaran” does not always mean “wala akong kailangang i-file.”
Kaya kailangan din natin ng malinaw na guidance, hindi puro “mag-comply ka kasi.”
Kailangan bang magtago online para hindi ma-audit?
Personal choice ang pagiging private. Pero hindi guarantee against an audit ang hindi pag-post tungkol sa trabaho.
Hindi rin basta-basta puwedeng buksan ng BIR ang bank accounts ng lahat ng VA. May legal limits iyon. [7]
Pero hindi lang bank statements o salary screenshots ang records na puwedeng maging relevant. May sariling filings ang registered taxpayer. May payment at withholding records din ang Philippine agencies o businesses na nagbabayad sa contractors. May authority ang BIR to obtain relevant information through lawful processes. [4][8]
So kahit wala kang salary-flex post, puwedeng may records ng transactions mo.
Hindi kailangang may inggiterang frog munang magsumbong. Pero hindi rin proof ng tax evasion ang pagiging visible online.
Ang compliance, dapat may kasamang support
Hindi ko sinasabing huwag magbayad ng tamang tax ha?
Ang ibig ko lang sabihin: kung gusto nating maging compliant ang freelancers, gawing understandable at practical ang proseso.
Ano ang gagawin kapag nawalan ng client? Anong filings ang tuloy pa rin kahit walang income? Paano ia-update ang contributions? Saan lalapit kapag hindi binayaran ng agency or client?
Magkakaiba rin ang rules ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG. Hindi puwedeng isang “voluntary naman lahat iyan” lang ang sagot (sa totoo lang, ngayon ko lang din ito nalaman while doing this article, o di ba sabay-sabay tayong matuto, lol). [9]
May mga paraan naman para magreklamo kapag hindi ka binayaran ng client or agency. Pero kung magastos, matagal, o mahirap ang proseso, paano naman yung freelancer na wala nang kita?
Puwede tayong maging responsible taxpayers habang humihingi ng mas maayos na sistema.
Mas malinaw na instructions. Affordable assistance. Accountability sa agencies. At support na kumikilala na hindi guaranteed ang next month’s income.
Hindi puwedeng sa freelancer lang laging may deadline.
Yung nagpa-interview tungkol sa SSS, hindi siya ang dahilan kung bakit mahirap maging freelancer. Sana yung energy sa bashing, magamit din natin sa paghingi ng improvements na pakikinabangan nating lahat.
Alin ang pinaka-confusing para sa iyo: BIR registration, filing, o contributions kapag walang client?
Follow Frugal Freelancer PH on Threads, Instagram, and Facebook! Subscribe to our newsletter here for more practical tips and tutorials.
Earning ₱15K a month as a freelancer? Find out what that means for your taxes: Freelancers on ₱15K Gross Income: Are Taxes Still a Must?
Sources
- SSS–DICT partnership announcement
- BIR RMC No. 14-2024: abolition of annual registration fee
- BIR RMC No. 51-2018: government COS/JO compliance summary
- National Internal Revenue Code: Sections 5, 6, and 23
- BIR discussion of Section 42: place where services are performed
- BIR RR No. 8-2018: 8% option and filing requirements
- RA 10021: bank-inquiry exceptions
- Supreme Court: BIR information-gathering authority
- SSS self-employed guidance; Universal Health Care Act; Pag-IBIG contribution guidance
No Responses